Bida ang Kapamilya tween star na si Julia Montes sa “Unli-Gift Box” episode ngayong Sabado (Disyembre 3) ng 2011 Catholic Mass Media Awards’ Best Children and Youth Program na “Wansapanataym.”Dahil sa sakit na naramdaman nang mamatay ang kanyang ina, desididong maghiganti si Star (Julia) laban sa business partner ng mommy niya na si Mylene (Gladys Reyes) na hindi sila pinahiram ng perang pampagamot. Kaya’t nang makatanggap si Star ng isang misteryosong kahon na pinagbibigyan lahat ng kanyang hiling, walang pagdadalawang isip niyang unahin ang paghigantihan ang dating kaibigan ng ina. Ngunit sa katapusan, matututunan ni Star na walang mabuting idudulot ang paghangad ng masama sa kapwa dahil ang galit mismo na ito ang muntik nang wawasak sa kanyang pamilya.
Kasama rin sina Kier Legaspi, Ron Morales, Melijah Panturilla, ang ‘Unli-Gift Box” episode ng “Wansapanataym” ay sa ilalim ng direksyon ni Avel Sunpongco at panulat ni Joel Mercado.
Huwag palampasin ang “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

