Huli sa camera na namimingot at nang-aamba ng palo sa kanyang estudyante ang inirereklamong guro sa San Luis Elementary School sa Antipolo. Naaktuhan nga ni Pinky Webb na nananakit ang guro base na rin sa nauna ng idinulog sa kanya ng mga magulang ng mga bata. Hinaing nila, sobra na raw ang naturang guro dahil sa kanyang pagmumura, pamamalo, at pangungurot sa mga batang mag-aaral. Ano ang naghihintay sa guro lalo pa’t huli na siya sa akto sa kanyag pagmamaldita? Ano ang gagawin ng paaralan sa kanya?Hinirang na Best Public Service Program sa katatapos lang na 20th KBP Golden Dove Awards, ang “XXX” nakapagsiwalat na ng maraming katiwalian sa lipunan. Ilan sa mga pinakapinag-usapang isyu sa bansa ay dahil sa expose ng programa tulad ng lolang walang awang kinulong at minamaltrato sa loob ng kulungan ng aso at ang paglabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste. Ang dalawang naturang expose ay parehong nominado para sa Outstanding Crime/Investigative Program category sa nalalapit na Golden Screen Awards for TV. Nominado rin ang programa para sa Best Public Service Program maging anchors nito para sa Best Public Service Program Host sa gaganaping Star Awards for TV.
Tutukan ang buong kuwento ni Pinky Webb ngayong Lunes (Nov 14) sa “XXX,” kasama rin sina Anthony Taberna at Julius Babao, pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.