Para sa makasaysayang panunumpa ng ikalabinlimang pangulo ng ating republika, isang espesyal na handog ang susunod na dalawang episode ng Probe Profiles.
Ang unang kabanata ay ipinalabas noong Miyerkules ay kapilas ng kasaysayan ng Malacanan, at ang huli ay ang malubak na paglalakbay ng bagong pangulo patungo sa Palasyong P-Noy.
Samahan ninyo kami sa espesyal na ito, ang huling pagtatanghal ng Probe, matapos ang higit dalawampu't apat na taong paghahanap ng liwanag sa ilalim ng tunay demokrasya.











